Phivolcs

CamNorte niyanig ng magnitude 4.7 lindol

155 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang yumanig sa Camarines Norte hapon ng Miyerkoles, Enero 18.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol ala-1 ng hapon. Ang epicenter nito ay 13 kilometro sa silangan ng Tinaga Island (Vinzons) at may lalim na isang kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Instrumental Intensities:

Intensity III – Mercedes, Camarines Norte

Intensity II – Jose Panganiban, Camarines Norte; Polillo, Quezon

Intensity I – Daet, Camarines Norte; Ragay, Camarines Sur