Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Karla

Concert series handog ng Tingog party-list

713 Views

ISANG libreng concert series ang isasagawa ng Tingog party-list simula sa Pebrero.

Batay sa anunsyo, magtatanghal sa Tingog ng Pasasalamat Concert sina Master Rapper Andrew E, Queen Mother Karla Estrada at ang mga bandang Plethora at ILT Band.

Mayroon ding special performance si Bamboo.

Nilinaw naman ng Tingog na ang pagtatanghal ni Bamboo ay bilang guest performer at walang kinalaman sa pag-endorso o pagsuporta nito sa partido.

Ang concert ay isasagawa sa Pebrero 12 sa Cebu City, Pebrero 17 sa Tagum City, Pebrero 25 sa Quezon City, at Marso 4 sa Tacloban City.