Calendar
Mga bagong opisyal ng PEZA, PCO itinalaga ni PBBM
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bagong opisyal ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Presidential Communications Office (PCO).
Si Tereso Panga ay itinalagang director general ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Si dating ABS-CBN News reporter Rowena Otida ay itinalagang assistant secretary for Media Accreditation and Relations Office ng PCO at si dating PTV-4 reporter Maria Waywaya Macalma bilang Director III ng kaparehong ahensya.
Sina Evangeline de Leon at Eugene Henry Rodriguez ay itinalaga naman bilang mga assistant secretary ng PCO.
Itinalaga naman sina Willie Ann Angsiy, Dennis Arpia, Wilberto Castillo, at Larry Sultan bilang direktor ng Department of Agriculture (DA).
Sina Ralph Joseph Moncatar, June Vincent Manuel Gaudan, Jimi Rambo Arranchado, Melvyn Carlo Barroa, at Rachel Ann Grabador ay itinalaga naman bilang mga direktor ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Si Eva Arcos ay napili naman bilang acting workers’ representative sa Social Security Commission.