Martin1

Speaker Romualdez: Dapat may managot sa pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3

192 Views

IPINAHIWATIG ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na dapat may managot sa pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3 at dapat ring alamin ang puno’t dulo ng insidente.

Ang trahedya an g naging dahilan ng pagkamatay ng 31 katao at pagkawala ng dalawa pa sa karagatang ng Baluk-baluk Island sa Basilan kamakailan.

Kinalampag din si Speaker Romualdez ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) na alamin ang puno’t dulo ng pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3.

Sinabi ni Romualdez, dapat ay natuto na ang MARINA at PCG mula sa mga nakaraang trahedya sa sasakyang pandagat, lalo na dahil sa overloading.

Ani Romualdez, mismong si Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Hadji Muhtamad, Basilan ang nagsabi na nahirapan ang mga otoridad sa rescue operation dahil sa inaccuracy ng passenger manifesto.

Sinabi ni Romualdez, kung pagbabatayan ang 195 na naligtas at bilang ng nasawi na nasa 29, ay hindi ito tugma sa record ng PCG na 205 passengers.

Malinaw pa din aniya sa kaniyang alaala ang imbestigasyon sa lumubog na MV Princess of the Stars noong 2008 kung saan 800 ang nasawi na nagbigay daan sa pagsasabatas Maritime Code.

Sinabi ng mambabatas mula Leyte, marapat lamang na may mananagot sa insidente at pahintuin na muna ang paglalayag ng iba pang barko ng naturang shipping line.