Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
PCG

P1.6M halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat ng PCG

534 Views

NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 1.6 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa Matnog Port, Sorsogon, noong Abril 17.

Ininspeksyon umano ng mga tauhan ng PCG sub-station Matnog at PCG K9 Unit ang isang puting Nissan Urvan at dito nadiskubre ang mga sigarilyo. Sasakyan ang van sa RoRo na patungong Allen, Northern Samar.

Naaresto ng mga otoridad ang tatlong suspek na sakay ng van.

Dinala sa Bureau of Customs (BOC) ang sasakyan at kontrabando para sa isasagawang imbestigasyon.