PRC

Estudyante ng Jose Rizal Memorial State U-Dapitan nanguna sa Licensure Exam for Midwives

133 Views

ISANG nagtapos sa Jose Rizal Memorial State University-Dapitan ang nanguna sa April 2023 Licensure Examination for Midwives.

Ayon sa Professional Regulations Commission (PRC) si Ronnie Vincent Bolasco Antivo ay nakakuha ng 90.05 porsyento sa nabanggit na pagsusulit.

Siya ang nakuha sa 1,210 na nakapasa sa naturang licensure examination. Umabot sa 2,558 ang kumuha ng pagsusulit.

Pumangalawa naman si Arianne Jean Ariño Blaza ng Camarines Sur Polytechnic College-Nabua (89.65%) na sinundan nina Honeylou Oponda Revolos ng Capitol University (89.25%), Raisa Erica Pantaleon Ramos ng Bataan Peninsula State University (89.10%), at Aezariah Pascual Niñonuevo ng Gordon College (89.05%).