Yedda Marie K. Romualdez

3 public assistance center binuksan ng Tingog sa Davao del Norte

185 Views

UPANG mas mapadali ang paghingi ng tulong ng publiko sa gobyerno, nagbukas sina Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng tatlo pang public assistance center sa Davao del Norte.

Ang mga Alagang Tingog Center (ATC) ay matatagpuan sa Tagum City at mga bayan ng Asuncion at San Isidro sa probinsya ng Davao del Norte.

Nauna rito ay binuksan ang ATC sa Samal Island, Panabo City, at bayan ng Carmen.

“Consistent with Tingog’s mission to bring forth change, hope, and progress, we are pursuing the mission to reach out to more people, especially those in remote areas, to make it easier for them to avail of government services,” sabi ni Rep. Romualdez.

Nagpasalamat din si Rep. Romualdez, may bahay ni Speaker Romualdez sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan at mainit na pagtanggap sa ATC sa kani-kanilang lugar.

“Salamat po sa lahat ng ating local officials sa suporta nila ganun din po sa ating mga kababayan sa Davao del Norte sa mainit nilang pagtanggap. Huwag po kayong mag-atubili na pumunta sa ating mga ATC at makakaasa kayo na gagawin naming ang aming makakaya upang maihatid sa inyo ang karampatang serbisyo,” sabi ng lady solon.

Sa pamamagitan ng mga ATC, sinabi ni Speaker Romualdez na mas madaling makahihingi ng tulong ang mga residente at mas magiging madali rin sa gobyerno na tulungan ang mga nangangailangan.

“With these new ATCs, many of our people in the province of Davao del Norte can enjoy needed government services practically next to their doorstep, sparing them the inconvenience of traveling to urban centers for this purpose. I hope and pray for the success of this endeavor so we can reach out to more people in the future,” sabi ni Speaker Romualdez.

Dumalo sa ribbon-cutting ceremony sina Davao del Norte Vice Governor Oyo Uy at House Deputy Secretary General Ponyong Gabonada.

Sina Vice Gov. Uy at DSG Gabonada ay sinamahan ni Asuncion Mayor Eufracio Dayaday sa inagurasyon ng ATC sa bayan ng Asuncion. Dumalo naman si Tagum Mayor Rey Uy sa pagbubukas ng ATC sa kanyang siyudad.

Matapos ang inagurasyon, namahagi ang ATC ng tig-P2,000 tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).

Nasa 500 residente ng San Isidro at 500 benepisyaryo mula sa transport sector sa bayan ng Asuncion ang natulungan sa ilalim ng AICS.

Umabot naman sa 1,700 magsasaka ang naabutan ng tulong sa Tagum City.

Nagpasalamat si Vice Gov Uy kina Speaker Romualdez at Rep. Romualdez sa kanilang pagsuporta sa Davao del Norte na pagpapakita umano ng kanilang pagnanais na matulungan ang mga nangangailangang residente.

Si Mayor Dayaday ay nagpasalamat din sa mag-asawang Romualdez sa paggawa ng hakbang upang mapalapit sa kanyang mga constituent ng serbisyo ng gobyerno.