Marijuana nakuha sa lalaking patay mula sa flyover
Apr 10, 2025
Calendar

Provincial
Tumaya ng P20 nanalo ng P55.3M
Peoples Taliba Editor
Jun 8, 2023
209
Views
ISANG mananaya sa San Pedro, Laguna na tumaya ng P20 sa lucky pick ang tumama ng P55.3 milyon sa Grand Lotto 6/55 noong Mayo 6.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nanalo ay binata at nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 04-16-26-24-14-47.
“Hindi po talaga ako nag-aalaga ng numero, ang katuwiran ko po kapag suwerte ka mananalo ka kahit isa lang ang itaya mo at ito nga po pinalad na po akong manalo ng jackpot sa mahigit na sampung taon na pagtangkilik ko sa lotto,” sabi ng nanalo.
Plano umano ng nanalo na ipatayo ang kanyang dream house at tulungan ang mga kanyang mga magulang.
Magnenegosyo din umano siya at tutulungan ang kanyang mga pamangkin.
2 suspek sa pag-iingat ng boga, bala nahuli
Apr 10, 2025
Kelot inambush sa bahay sa Batangas, patay
Apr 10, 2025
Mga opisyal ng Bataan tinanggap mga ambassadors
Apr 10, 2025
MGA SOLUSYON SA SULIRANIN SA BATANGAS
Apr 10, 2025
Garcia: Di lahat ng bayani naka-uniporme
Apr 9, 2025