Leviste

Pinakamalaking solar farm sa mundo itatayo sa Pilipinas

232 Views

PLANO ng Solar Philippines New Energy Corp. (SPNEC) na palawakin pa ang operasyon nito sa bansa at kapag natapos ito ang magiging pinakamalaking solar farm sa mundo.

Ayon kay Solar Philippines founder Leandro Leviste ngayong taon target na simulan ang Nueva Ecija solar expansion project.

Ang expansion project ay mahigit 3,000 hektarya umano. Ang kasalukuyang solar farm na itinatayo ng kompanya ay 350 hektarya.

Sinabi ni Leviste na ang solar expansion ay inaasahang makalilikha ng 3,500 megawatts. Ang pondong gagamitin dito ay magmumula sa capital investment ng SPNEC at sa initial investment ng Metro Pacific Investment Corp. (MPIC) na nagkakahalaga ng P2 bilyon.