Phivolcs

Magnitude 5.2 lindol yumanig sa Visayas, Mindanao

131 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.2 ang yumanig sa bahagi ng Visayas at Mindanao umaga ng Lunes, Hunyo 19.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol ala-1:33 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 61 kilometro sa silangan ng bayan ng Burgos at may lalim na 25 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity III – Hinunangan, SOUTHERN LEYTE

Intensity II – City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE

Intensity I – Dulag, LEYTE; City of Borongan, and Quinapondan, EASTERN SAMAR