DOTr

DOTr inaasahan pagdating ng 1M plastic card para sa driver’s license

95 Views

INAASAHAN ng Department of Transportation (DOTr) na darating ang tinatayang 1 milyong plastic card para sa lisensya sa pagmamaneho sa loob ng 60 araw.

Ito ang sinabi ng DOTr matapos na bigyan ng notice to proceed ang Banner Plastic Card Inc., ang nanalong bidder ng proyekto.

Sinabi ni Transportation Undersecretary Kim Robert de Leon na inaasahan ng ahensya na matutugunan ng bagong suplay ng plastic card ang kasalukuyang kakulangan.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), isang ahensya sa ilalim ng DOTr, halos 700,000 ang backlog sa lisensya.