Champion

Bgy. Omboy champion sa Bgy Resilience Bingo Scorecared

Christian Supnad Sep 21, 2024
9 Views

ABUCAY, Bataan–Nanalo ng P1 milyon ang Brgy. Omboy ng bayang ito matapos tanghaling champion sa Barangay Resilience Bingo Scorecard (BRBS).

Nakuha ng nanalo ang award sa awarding ceremony noong Miyerkules sa Bataan People’s Center,kasabay ng pagtatapos ng National Disaster Resilience Month (NDRM) celebration.

Sinabi ni Gov. Joet Garcia na pinarangalan ang tatlong nangunang barangay mula sa 188 barangay na lumahok sa buong Bataan.

Nakatanggap ng plake, certificate at cash incentive ang lahat ng nagwagi.

First runner up naman ang Brgy. East Daan Bago sa Samal na tumanggap ng P500,000 at 2nd runner up ang Brgy. Balut Uno sa Pilar na tumanggap ng P300,000.

Ang bawat top-performing barangay naman mula sa bawat bayan nakatanggap din ng plake, certificate at P100,000 cash incentive, ani Gov. Garcia.

“Maraming salamat po sa ating mga nakasama sa programa na sina RD Amador Corpus ng Office of Civil Defense (OCD); Executive Director Silvestre Barrameda ng National Resilience Council (NRC); Bokal Romano Del Rosario, Arvin Catipon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO); at Bataan Peninsula State University (BPSU) President Dr. Ruby Matibag,” dagdag ng gobernador.