Binay Iniabot nina Makati City Mayor Abby Binay, 1st District Congressman Kid Peña, 2nd District Congressman Luis Campos at iba pang miyembro ng Makati City Council ang P1 milyon na ceremonial check kina Mayor Jopet Inton at Treasurer Rhodora Legaspi Manalansan ng Hermosa, Bataan. Kuha ni Christian Supnad

Makati nagbigay ng P1M ayuda sa mga biktima ng bagyo sa Bataan

Christian Supnad Dec 13, 2024
20 Views

TINANGGAP ni Mayor Jopet Inton ng Hermosa, Bataan, kasama ang Municipal Treasurer na si Rhodora Manalansan, ang P1 milyon na tulong pinansyal mula sa Makati.

Sinabi ni Mayor Inton na ang tulong bahagi ng programang naglalayong suportahan ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na naapektuhan ng habagat at mga bagyong Butchoy at Carina.

“Pormal na iniabot noong isang araw sa atin nina Makati City Mayor Abby Binay, 1st District Congressman Kid Peña, 2nd District Congressman Luis Campos at iba pang miyembro ng Makati City Council,” ani Mayor Inton.

Ayon pa kay Mayor Inton, ilalaan nila ang pera upang matulungan ang mga kababayang nasalanta ng mga sakuna.

“Muli, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lungsod ng Makati para sa kanilang malasakit at pagtulong sa panahon ng pangangailangan,” dagdag ni Mayor Inton.