Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
File photo ni JON-JON C. REYES
Provincial
Obrero utas sa kapwa obrero sa Laguna
Gil Aman
Feb 11, 2025
674
Views
Patay ang 22-anyos na obrero makaraang pagtatagain ng kapwa obrero matapos mag-away habang nag-iiuman noong Lunes sa Brgy. Balian, Pangil, Laguna.
Namatay ang biktima si Moises Aron Nietes dahil sa tindi ng mga taga mula sa suspek na si alyas Joel.
Tumakas si alyas Joel matapos ang pananaga, ayon sa report.
Naganap ang pananaga bandang alas 8:00 ng umaga habang nasa kalagitnaan ng kanilang inuman ang dalawa.
Ayon sa report, naungkat ang ugat ng matagal nang away ng dalawa hinggil sa kanilang trabaho kaya nauwi sa tagaan ang tagayan.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

