Calendar
Provincial
Nadulas, nahulog sa irrigation canal, tepok
Steve A. Gosuico
Feb 11, 2025
605
Views
SAN JOSE CITY–Nalunod sa irrigation canal o patubig ang isang magsasaka sa syudad na ito nang aksidenteng mahulog nang buksan ang checkgate ng irigasyon noong Huwebes.
Ayon kay P/Lt.Col. Erwin Ferry, chief of police ng syudad, nahulog si alyas Lito, 37, dakong alas-5:30 ng hapon sa NIA irrigation canal sa Zone 6 ng Brgy. Camanacsacan, San Jose City.
Iginagayak umano ng biktima ang kanyang sakahing lupa nang pumunta sa irrigation drop para ayusin pero nadulas at nahulog sa tubig.
Naiahon siya sa patubig ng mga rumespondeng bumbero at naisugod sa Ospital ng Lungsod ng San Jose subalit idineklarang dead-on-arrival dakong alas-6:45 ng gabi.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

