Calendar
File photo ni JON-JON C. REYES
Provincial
Obrero utas sa kapwa obrero sa Laguna
Gil Aman
Feb 11, 2025
690
Views
Patay ang 22-anyos na obrero makaraang pagtatagain ng kapwa obrero matapos mag-away habang nag-iiuman noong Lunes sa Brgy. Balian, Pangil, Laguna.
Namatay ang biktima si Moises Aron Nietes dahil sa tindi ng mga taga mula sa suspek na si alyas Joel.
Tumakas si alyas Joel matapos ang pananaga, ayon sa report.
Naganap ang pananaga bandang alas 8:00 ng umaga habang nasa kalagitnaan ng kanilang inuman ang dalawa.
Ayon sa report, naungkat ang ugat ng matagal nang away ng dalawa hinggil sa kanilang trabaho kaya nauwi sa tagaan ang tagayan.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

