Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Naka-motor na lakaki, babae patay sa ambush sa Teresa
Jojo Cesar Magsombol
Apr 30, 2025
597
Views
DEDO ang dalawang katao noong Sabado matapos pagbabarilin ng di-kilalang salarin sa kahabaan ng Roman Roxas Road, Brgy. May IBA, Teresa, Rizal.
Ayon sa mga pulis Teresa ang mga biktima ay kinilalang sina alyas Rogelio at alyas Mercidita.
Hindi sinabi sa report kung ano ang relasyon ng dalawang pinaslang.
Nabatid sa imbestigasyon na dakong 8:40 ng umaga ng April 26, sakay ng motorsiklo ang mga biktima patungo sa town proper ng Teresa nang pagbabarilin ng ilang beses ng mga salarin gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.
Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa di pa malamang direksyon.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

