Shabu

3 suspek na pusher arestado, P.3K na shabu, boga nakumpiska

Gil Aman May 1, 2025
17 Views

CAMP BGEN Paciano Rizal–Tatlong hinihinalang drug pushers ang arestado at umaabot sa P301,000 na halaga ng shabu at baril ang nasamsam sa tatlo sa Cabuyao City, Laguna noong Martes.

Kinilala ni Laguna police director P/Col. Ricardo Dalmacia ang mga suspek na sina alyas Francis, Mar at Lin.

Sa ulat ng Cabuyao police sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rextopher Gaoiran, nahuli ang tatlo ng magkasa ng drug buy-bust bandang alas-3:10 ng umaga sa Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna.

Matapos maaresto ang mga suspek, nakumpiska sa kanila ang mga hinihinalang shabu na tumitimbang ng 44.4 gramo at may standard price na P301,000, isang M16 rifle, 15 5.56 ammunition, isang Toyota Hilux, isang cal .22 magnum at apat call .22 ammunition.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao police ang mga nahuli habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang mga kaso laban sa kanila.