Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Travel & Leisure
PAL may biyahe ng Cotabato-Tawi-Tawi
Peoples Taliba Editor
Jun 7, 2022
657
Views
MAGBUBUKAS ng bagong flight ang Philippine Airlines sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa Hunyo 9 ay sisimulan na ang Cotabato City – Bongao, Tawi-Tawi flight, ang kauna-unahang flight sa loob ng BARMM.
Ayon sa PAL, dalawang beses kada linggo ang biyahe sa naturang ruta—tuwing Lunes at Huwebes.
Ang flight mula Awang Airport sa Cotabato patungong Sanga-Sanga airport sa Tawi-Tawi ay alas-7:30 ng umaga, ang pabalik naman ay 9:40 ng umaga.
Dahil dito hindi na kakailanganin pang bumiyahe muna sa Maynila ang mga nasa Cotabato na pupunta sa Tawi-Tawi o ang mga nasa Tawi-Tawi na pupunta sa Cotabato.

