Calendar
Office of the Chief State Prosecutor dapat palakasin — Oducado
NAKIKIISA si 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado sa panawagan na kailangang palakasin ang Office of the Chief State Prosecutor sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) sa gitna ng kakulangan sa hanay ng mga piskal.
Bilang bagong miyembro ng Kamara de Representantes sa ilalim ng papasok pa lamang na 20th Congress, nakikisimpatya si Oducado sa sentimyento ng kaniyang mga kapwa mambabatas na dapat mas patatagin ang legal staffing ng DOJ.
Paliwanag ni Oducado na dapat mapunan ang kakulangan ng legal staff sa loob ng Office of the Chief State Prosecutor pati na rin ang bakanteng posisyon ng State Counsel IV, kabilang din ang kawalan ng Chief State Counsel. Kung saan, ang kanilang magiging tungkulin ay ang pagbibigay ng legal advisory opinion sa Kalihim ng DOJ.
“I stand here to join the sentiment of my fellow legislators since the 11th Congress. Our predecessors have recognized the need to strengthen the legal staffing of the Department of Justice through the Office of the Chief State Counsel this includes Counsel IV,” sabi nito.
Tinukoy din ng bagitong kongresista ang ilan sa mga mahahalagang tungkulin legal staff sa loob ng Office of the Chief State Prosecutor ay ang pagre-repaso sa mga ibinibigay na kautusan sa Bureau of Immigration (BI) at pagrepaso sa validity at legality ng mga tax ordinances.
Sinabi din ni Oducado na naipasa na ng Senado sa third reading ang bersiyon ng panunakalang batas kaugnay sa layuning ito, sa ilalim ng substitute Senate Bill No. 2987. Subalit ang bersiyon naman ng Kamara ay kasalukuyan parin nakasalang sa Committee deliberation.
Dahil dito, pagbibigay diin pa ni Oducado na ibinibigay nito ang kaniyang buong suporta para sa nasabing House version ng panukalang batas upang mapalakas ang hanay ng Office of the Chief State Prosecutor kasunod ang pagpapalakas ng serbisyo para sa DOJ.
“I express my full support for this measure,” dagdag pa ni Oducado.

