Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Kinatay

Rider umalma sa busina, pinatay ng 5

296 Views

PATAY ang isang 24-anyos na lalaki habang sugatan ang kaniyang kaibigan matapos pagtulungang saksakin ng limang ‘di kilalang lalaki na nakaalitan nila sa harap ng isang eatery sa Quezon City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si alyas Sanorjo, 24, binata, helper nakatira sa Kalapati St. Brgy, Holy Spirit habang inoobserbahan pa sa FEU-NRMF Medical Center si alyas Abordo, 28, binata, technician, ng Blk. 2 Lot 6 Adarna Ext., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 12:30 ng madaling araw nitong Miyerkules (June 11), nang maganap ang insidente sa harap ng Hungry Silog Ni Bok eatery sa Republic Ave., Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Christian D Loyola, bago ang insidente, parehong dumating ang mga biktima kasama ang kaibigan na sina alyas “Dagom” at “Bello sa harap ng Hungry Silog Ni Bok sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo para kumain.

Habang ipinaparada ni Abordo ang kanyang motorsiklo, binusinahan ito ng isa isa sa mga ‘di pa nakikilalang suspek na may kasamang dalawang lalaki na sakay din ng motor.

Dahil dito kinompronta ni Abordo ang suspek na agad namang naawat ng mga kasamahan ng una.

Umalis ang tatlong suspek kaya naman bumalik si Abordo at ang dalawa niyang kasama sa Silog Ni Bok para kumain.

Matapos kumain, paalis na sana sa lugar ang grupo ng mga biktima, nang biglang lapitan ng nakaalitan nilang suspek at sinaksak sa likod si Abordo.

Dahil dito, agad na sumugod si Sanorjo upang tulungan si Abordo pero agad din siyang pinagtulungang pagsasaksakin ng tatlo sa limang suspek.

Matapos ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng kani-kanilang mga motor sa hindi natukoy na destinasyon.

Agad namag isinugod ng kaniyang mga kasama si Sanorjo sa FEU-NRMF Medical Center subalit idineklarang na siyang dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, bagamat duguan nagawa pang imaneho ni Abordo ang kanyang motorsiklo at isinugod ang sarili sa parehong ospital kung saan siya kasalukuyang naka-confine.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nakatakas na salarin.