Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
NBP

Nakapiit sa rape ng menor de edad, arestado ulit sa gahasa

Edd Reyes Jun 12, 2025
345 Views

SINILBIHAN ng mga pulis ng bagong warrant of arrest sa kasong rape ang sentensiyadong preso sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong Miyerkules sa Muntinlupa City.

Nakapiit na sa maximum security compound si alyas Popoy, 40, sa kasong panghahalay sa menor-de-edad na batang babae nang matuklasan ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan na may nakabimbin pa siyang warrant of arrest dahil rin panggagahasa.

Nakipag-ugnayan si BGen. Ligan kay Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. upang maisilbi ang isa pang arrest warrant ni Caloocan City Family Court Presiding Judge Raymundo G. Vallega ng Branch 130.

Dakong alas-6:00 ng gabi nang isilbi nina P/Col. Renante Pinuela, Force Commander ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD, ang warrant of arrest laban kay alyas Popoy.