Cavite Iniabot ni outgoing Noveleta, Cavite Mayor at ngayo’y Vice Mayor eDino Chua (kanan) ang bandera ng lokal na pamahalaan kay Mayor-elect Davey Chua matapos ang panunumpa sa tungkulin noong Sabado. Kuha ni DENNIS ABRINA

Noveleta politicians na nagwagi nag-oath-taking na

Dennis Abrina Jun 29, 2025
414 Views

NOVELETA, CAVITE–Nanumpa na sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Noveleta, Cavite sa Unlad gymnasium sa Brgy. San Rafael 2 noong Sabado.

Pinangasiwaan ni Cavite 1st District Congressman Ramon ‘Jolo’ Revilla III ang panunumpa nina Mayor-elect Davey Chua, Vice Mayor-elect Dino Chua, Councilors Jay Lontoc, Axle Enriquez, Ricky Saria, Edwin Salud, Emi Lontoc, Donn Alvarez, Patrick Barzaga at Jigs Alix.

Ayon kay Dino Chua, nakamit ng Noveleta ang pagiging 1st class municipality status mula sa dating 3rd class local government unit.

“Ito po ang aking maipapamana sa ating bayan na maging maunlad. Alam ko po na ipagpapatuloy ito ng ating bagong alkalde si Mayor Davey Chua,” sabi niya.

Naging panauhin sa event sina Governor-elect Abeng Remulla, Vice Governor-elect Ram Revilla, mga barangay captains ng 16 na villages at mga department heads.

Nakatakdang magsimula ang termino ng lahat ng nahalal noong Mayo 12 alas-12:01 ng tanghali sa Hunyo 30 at magtatapos sa parehong oras sa June 30, 2028.