Pagsasabatas sa mga panukala ni De Lima magpapahinto sa talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao

Mar Rodriguez Jul 8, 2025
375 Views

OPTIMISTIKO si Mamamayang Liberal (ML) Party List Representative Leila de Lima na kung maisasabatas ngayong 20th Congress ang mga panukala nito. Mahihinto ang pang-aabuso sa karapatang pantao at kahalintulad nitong paglabag.

Pagbibigay diin ng dating Justice Secretary na kung magiging ganap na batas ang mga inihain nitong panukala sa Kamara de Representantes, mapapalakas aniya nito ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao at ang humahadlang para makamit ng isang tao ang hustisya.

Sinabi ni De Lima na panahon na upang maisa-ayos ang justice system ng ating bansa kung saan ang mga walang kasalanan ang kadalasang nagdurusa sa kaulungan habang ang totoong may sala ay hayahay o naabsuwelto dahil sa kanilang malakas na impluwensiya.

“Kung magiging mga batas ang mga ito. Mapapalakas natin ang laban para sa mga mapang-abuso sa karapatang pantao, mga humahadlang sa pagkamit ng tunay na hustisya at mabigyan ng kakayahan ang mga mahihirap nating mga kababayan na maiangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay,” sabi ni De Lima.

Muling ipinahayag ng kongresista na inihain nito ang kaniyang mga priority bills sa ilalim ng 20th Congress bilang bahagi ng kaniyang commitment na maitaguyod at maipagtanggol ang karapatang pantao sa pamamagitan ng pagsusulong sa social justice at pagpapatibay naman ng criminal justice.

Para kay De Lima, ang pagsasabatas ng kaniyang mga panukala ang magbibigay ng proteksiyon sa karapatang pantao at magtatanggol naman sa mga taong dumanas ng pang-aabuso dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na madepensahan ang kanilang sarili.