Suan

Tiwala kina PBBM, Kamara, Romualdez patunay na kita resulta ng mahusay na pamumuno

299 Views

IGINIIT ni Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan na ang patuloy na pagtaas ng tiwala ng publiko kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., sa House of Representatives, at kay Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ay malinaw na patunay na nakikita ng publiko ang resulta ng kanilang pamumuno.

“This is proof that Filipinos value performance over politics. The President, the House, and Speaker Romualdez have all focused on action and solutions—and the people are clearly responding,” ani Suan, isa sa mga lider ng House Young Guns.

Batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations (SWS), umabot sa 48% ang nagsabing may “much trust” sila kay Pangulong Marcos nitong Hunyo—mas mataas kumpara sa 38% noong Mayo.

Tumaas din ang trust rating ni Rep. Romualdez, na nagsilbing Speaker ng 19th Congress, mula 26% ay umakyat ito sa 34%. Samantala, ang tiwala ng publiko sa Kamara de Representantes ay umakyat mula 34% noong Abril, naging 49% sa Mayo, at umangat sa 57% nitong Hunyo — ang pinakamataas sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Suan, ang pagtaas ng tiwalang ito ay bunga ng matatag, disiplinado, at malinaw na pamumuno ni Rep. Romualdez, gayundin ng mahusay na ugnayan at pagkakahanay ng mga layunin ng Kongreso at Malacañang.

“Speaker Romualdez has led the House with consistency, discipline, and a clear legislative agenda that puts the Filipino first. That’s the kind of leadership that earns trust,” ayon sa mambabatas.

Ipinunto rin ni Suan na ang matibay na tambalan nina Pangulong Marcos at Speaker Romualdez ay naging susi sa pagsulong ng mahahalagang panukala—mula sa imprastruktura at trabaho, hanggang sa digitalization at social programs.

“People trust what they can see. And right now, they see a government that is working, not bickering,” dagdag pa ni Suan.

Bilang bahagi ng 20th Congress, nangako si Suan na magpapatuloy siya sa pagsusulong ng mga hakbang para sa lokal na kaunlaran, makabagong pamamahala, at serbisyong abot ng mamamayan.

“We’re grateful for the public’s trust, and we take that seriously. Now more than ever, we need to double down on delivering meaningful change,” ayon pa sa pahayag ni Suan.