Megalotto

Mananaya sa E.Samar tumama ng P8.9M sa MegaLotto 6/45

211 Views

ISANG mananaya sa Eastern Samar ang tumama ng P8.9 milyon sa bola ng MegaLotto 6/45 noong Biyernes ng gabi, Hunyo 24.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 28 – 10 – 16 – 03 – 25 – 13.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 88 mananaya na nakalimang numero.

Ang 2,864 mananaya na nakakuha ng apat na numero ay tumama naman ng tig-P1,000 at ang 35,085 mananaya na nakatatlong numero ay nanalo ng tig-P30.