Calendar
De Lima kasing tibay ng pader
KASING tibay ng pader.
Ganito mailalarawan ang panibagong yugto sa buhay ni Mamamayang Liberal (ML) Party List Rep. Leila de Lima matapos na muli itong magtagumpay sa pagtatangka ng ilang grupo na siya ay pabagsakin sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa kaniyang drug case na malaon ng ibinasura ng Hukuman.
Ang nakamit na tagumpay ng kongresista ay kaugnay sa direktiba ni Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin “Boying” Remulla na i-withdraw ang inihaing Motion for Reconsideration ng panel of prosecutors para sa nasabing kaso ni De Lima.
Ipinaabot ni De Lima ang kaniyang taos pusong pasasalamat para kay Remulla upang ibasura ang tinawag nitong “walang katuturang” pagtatangka na muling buhayin ang ibinasura ng drug case laban sa kaniya.
Ikinagagalak pa ni De Lima na nanggaling na kay Secretary Remulla na pawang mga “kabulastugan” (foolishness) lamang umano ang pagbuhay ng kanyang kaso.
Pagbibigay din ng dating Justice Secretary na dapat lamang na papanagutin o patawan ng karampatang kaparusahan ang mga nasa likod ng pagbuhay sa kanyang drug case.
“While it is good to hear from no less than Secretary of Justice Remulla that these Prosecutors were engaging in “foolishness” to forward a political agenda and that they will take over the case and move for the case’ dismissal,” wika ni De Lima.
Nananawagan si De Lima sa Justice Department upang magsagawa ng masusing imbestigasyon patungkol sa naging motibo sa pagbuhay ng nasabing kaso
“I call on the Justice Department to properly investigate and sanction them. Dapat papanagutin ang mga ito,” dagdag pa ng kongresista.

