Calendar
Sina Reps. Jay Khonghun ng Zambales, Ernix Dionisio ng Maynila, Paolo Ortega ng La Union, Lordan Suan ng Cagayan de Oro City at Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.
Young Guns kabilang sa 291 mambabatas na panig sa pagka-Speaker ni Rep. Romualdez

KABILANG ang mga miyembro ng House Young Guns bloc sa 291 miyembro ng Kamara de Representantes na sumuporta sa speakership ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ito’y pagkilala sa kanyang inklusibong pamumuno at matibay na paninindigan sa pagsusulong ng kapakanan ng bansa at mga panukalang batas upang mapaglingkuran ng administrasyong Marcos ang mga Pilipino.
Kinilala rin ng mga lider ng Young Guns—sina Representatives Paolo Ortega (Unang Distrito ng La Union), Jay Khonghun (Unang Distrito ng Zambales), Lordan Suan (Unang Distrito ng Cagayan de Oro City), Ernix Dionisio (Unang Distrito ng Maynila) at Zia Alonto Adiong (Unang Distrito ng Lanao del Sur)—ang kahusayan ng pamumuno ni Romualdez kasabay ng kanyang pagtulong sa lahat ng miyembro ng Kamara kahit hindi nito kapartido.
Sa pagbubukas ng 20th Congress, ipinahayag ng mga batang lider ang kanilang kahandaang makatrabaho si Romualdez upang ipagpatuloy ang paghahatid ng makabuluhang batas para sa sambayanang Pilipino.
Pinuri ni Ortega ang inklusibong pamumuno ni Romualde.
“Speaker Romualdez’s inclusive leadership has given us, as young legislators, the confidence to champion our advocacies. His ability to unite 291 solons from diverse parties is a testament to his vision for a stronger, more collaborative Congress,” sinabi ni Ortega.
Ibinahagi naman ni Khonghun, “Under Speaker Romualdez, I’ve seen my voice as a neophyte legislator not just heard but amplified. His leadership ensures that every member’s advocacy is given the platform it deserves.”
Sabi rin ni Suan: “Speaker Romualdez has proven himself a unifying force, bringing together 291 solons to work for the common good. I’m honored to support his leadership in the 20th Congress.”
Ayon naman kay Dionisio, “The Speaker’s commitment to inclusive governance has empowered us to push for meaningful change. His leadership is the backbone of our legislative success.”
Pahayag ni Adiong, “With 291 solons rallying behind him, Speaker Romualdez has shown what true unity looks like. His support for President Marcos’ agenda has delivered results, and I’m proud to stand with him.”
Ang pamumuno ni Romualdez ay naging mahalaga sa pagiging akma ng mga ginawa ng Kamara sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos.
Ang kakayanan ni Romualdez na pag-isahin ang 291 mambabatas mula sa iba’t ibang partido ay patunay umano ng kanyang inklusibong pamahalaan at epektibong pagsasama-sama ng mga mambabatas upang maisulong ang mga panukalang batas ng administrasyon.
Patuloy umanong susuportahan ng House Young Guns si Romualdez sa pagtahak nito sa direksyon na may malinaw na bisyon, pagkakaisa at dedikasyon para sa sambayanang Pilipino.

