Calendar
Valeriano naluklok bilang chair ng House Committee on Public Order and Safety
NALUKLOK ngayong 20th Congress bilang Chairman ng House Committee on Public Order and Safety si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano.
Dahil dito, sinabi ni Valeriano na ang tututukan nito sa ikakasa niyang imbestigasyon ay ang mga pangunahing isyu kabilang na dito ang illegal gambling, pagmimintina ng private armies, terorismo at uba pang katulad nitong organized crimes.
Pinasalamatan naman ni Valeriano ang liderato ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya kung saan tiniyak nito na tututukan nito ang “clamor” ng mamamayan kaugnay sa laganap na kriminalidad.
Binigyang diin ng kongresista na walang sasantuhin ang Committee on Public Order and Safety sa ikakasa nitong imbestigasyon tungkol sa mga kontrobersiyal na isyu gaya ng illegal gambling, drug trafficking, kriminalidad at iba pang krimen.
“I thank the House leadership and my colleagues for their trust and confidence. I commit to them and to the Filipino people that we will heed the public clamor against criminality, drug trafficking and law enforcement protection of communities,” ani Valeriano.
Ipinahayag din ng Metro Manila solon na nakahanda rin siyang pakinggan ang mga naging biktima ng online gambling at mga biktima ng krimen upang makapagbalangkas ito ng panukalang batas na tutugon sa nasabing problema.
“While my position on online gambling, crimes and criminal investigations are publicly well-known. I will listen to all sectors, professionals, experts and civil society. My benchmark and standard is the public welfare,” wika pa ng mambabatas.

