Mga batang kawatan 2x ninakawan ginang
Jul 12, 2026
Mga batang kawatan 2x ninakawan ginang
Jul 12, 2026
Pagpasa ng WPS Education Bill itinulak ni Sen. Tulfo
Jul 12, 2026
Calendar
Nation
Bagong deputy commissioner malugod na tinanggap ng BI
Jun I Legaspi
Aug 6, 2025
396
Views
MALUGOD na tinanggap ng Bureau of Immigration si Major General Atty. Joel Alejandro S. Nacnac PA (Ret) bilang bagong Deputy Commissioner, na kumukumpleto sa tatlong-kataong Board of Commissioners kasama sina Commissioner Atty. Joel Anthony Viado at Deputy Commissioner Atty. Aldwin F. Alegre.
Itinalaga siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo 18, 2025. Si MGen Nacnac ay may 39 na taon ng karanasang militar at 20 taon bilang abogado. Nagtapos siya sa PMA “Bigkis Lahi” Class of 1990 at may karagdagang pag-aaral sa batas, ekonomiya, at pampublikong pamamahala.
Sa kanyang unang talumpati sa mga kawani ng BI noong Agosto 4, ipinahayag niya ang kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko at hangaring makatulong sa pagpapabuti ng ahensya.
Pagpasa ng WPS Education Bill itinulak ni Sen. Tulfo
Jul 12, 2026
GINHAWA bill itinulak kontra inflation
Jul 11, 2026

