Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Source: Screen grab mula GMA News Video
Provincial
Patay na sanggol lumutang sa sapa sa Bulacan
Bernard Galang
Aug 28, 2025
322
Views
ISANG PATAY na sanggol na lalaki noong Miyerkules ang natagpuan na nakalutang sa isang sapa sa Bgy. Ligas, Malolos City, Bulacan.
Ang namatay na sanggol ay ini-report sa Malolos City police ng barangay tanod na si Irene Cabique Alejandre, 29.
Agad nagpadala sa lugar ng mga miyembro ng Malolos City police at iniahon mula sa tubig ang isang lalaking sanggol na may nakakabit pang inunan at pusod sa katawan nito.
Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa lokal na DSWD at barangay para sa pagsasagawa ng record check sa posibleng pagkakakilanlan ng ina ng sanggol.
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026

