Eclipse

PAGASA: Total lunar eclipse abangan sa Sept. 8

853 Views

MASISILAYAN ng mga Pilipino ang total lunar eclipse sa Sept. 8, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magsisimula ang eclipse dakong alas-11:27 ng gabi sa Sept. 7 at aabot sa kabuuang eclipse dakong ala-1:30 ng madaling araw ng Sept. 8.

Ang pinaka-matinding yugto inaasahan ganap na alas-2:12 ng madaling araw kung kailan matatakpan ng anino ng mundo ang buwan.

Tinatawag ng blood moon ang ganitong set up dahil sa pulang kulay na makikita sa buwan habang ito ay nasa ilalim ng anino ng mundo.

Tatagal ang eclipse ng mahigit isang oras bago matapos ang partial eclipse dakong alas-2:53 ng madaling araw.

Ayon sa ahensya, hindi kailangan ng anumang proteksyon sa mata para mapanood ito at mae-enjoy sa tulong ng simpleng binoculars.

Maliban sa eclipse, makikita rin sa madaling araw hanggang Sept. 7 ang planetary parade ng Saturn, Neptune, Uranus, Jupiter, Venus at Mercury.