Oducado

Oducado muling inilatag panukala nitong pagtatatag ng PFMC

Mar Rodriguez Sep 4, 2025
245 Views

MULING inilatag ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ang panukala nitong pagtatatag ng Presidential Flood Management Commission (PFMC) para resolbahin ang problema ng mga pagbaha sa buong Pilipinas.

Sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, sinabi ni Oducado na ang iminumungkahi nitong PFMC ay bubuuin o ang magiging komposisyon nito ay kabibilangan ng iba’t-ibang kinatawan mula sa gobyerno.

Ayon sa kongresista, kasama dito ang mga civil society organizations, mga eksperto sa aspeto ng pagbaha tulad nina Filipino Architect Felipino Palaflox at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio “Babes” Singson.

Ipinaliwanag ng neophyte Party List solon na ang kasalukuyang “flood management” sa bansa ay mailalarawan sa pamamaraan ng “institutionalize fragmentation” o ang bawat ahensiya ng pamahalaan ay mayroon kani-kaniyang tungkulin para sa pagre-resolba at pagtugon sa problema ng mga pagbaha sa bansa.

Ipinahayag ni Oducado na ang tinatawag na “fragmented governance” o ang magkakahiwalay na pamamahala ng mga concerned agencies sa usapin ng pagbaha ay karaniwan Aniyang nagre-resulta sa overlapping ng kani-kaniyang functions at gaps sa coordination.

Iginiit ni Oducado na mahalaga na ang DPWH, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST) at Local Government Units (LGUs) ay sama-samang tutugon sa problema ng pagbaha hindi lamang sa Metro Manila bagkos sa buong bansa.

Pagbibigay diin ng mambabatas na ang isyu ng flood control ay hindi lamang nakaka-apekto sa buhay ng bawat Pilipino bagkos sa ekonomiya ng bansa sapagkat maraming kabuhayan ang pineperwisyo nito tulad ng mga magsasaka at mangingisda.

Sabi pa ni Oducado na sa tuwing raragasa ang malakas na kalamidad sa Pilipinas. Mahigit 45,000 magsasaka at mangingisda ang napeperwisyo kung saan tinatayang 8,000 hektarya ng palayan ang apektado at halos 20,000 metric tons ng bigas ang hindi na halos napapakinabangan dahil sa hagupit ng kalamidad.

Tinukoy din ni Oducado sa kaniyang talumpati kung bakit sa kabila ng bilyon-bilyong pisong ginugugol para magtayo ng mga dike, dredge rivers at pumping stations ay patuloy parin ang mga pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng bansa Kahit kaunting ulan lamang.

“For too long, we have seen flood control projects are mere engineering feats. We build dikes, dredges and construct pumping stations, but often these efforts fall short. We ask ourselves why. Why despite the billions of pesos allocated for flood control, do our cities and provinces turn rivers after just a few hours of rain?” sabi ni Oducado.