Hernandez2

Sens. Jinggoy at Villanueva idinawit ni sa maanomalyang flood control project

269 Views

Hernandez3PINANGALANAN ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District engineer Brice Ericson Hernandez sina Senators Jinggoy Ejercito Estrada at Joel Villanueva bilang mga kasangkot sa multimilyon-pisong maanomalyang flood control projects kaugnay sa isinagawang pagdinig ng House Infrastructure Committee (InfraComm) hinggil sa nasabing isyu.

Sinabi ni Hernandez na hindi makakaligtas si Estrada sa nabanggit na anomalya katulad nang naunang pahayag ng Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Senator Rodante Marcoleta.

Ayon kay Hernandez, naglaan si Estrada ng humigit kumulang sa P355 milyon para sa ilang kontrata sa Bulacan ngayong taon (2025) kung saan kasama ang pangalan nina Undersecretary Robert Bernardo at Bulacan District engineer Henry Alcantara.

Umapela naman si Hernandez sa mga kasapi ng InfraComm na kung maaari ay huwag na umano siyang ibalik sa Senado matapos itong patawan ng contempt ng Blue Ribbon Committee.

Ikinatwiran ni Hernandez na dahil sa kaniyang pagsisiwalat ay maaaring manganib ang kaniyang buhay dahil may mga sangkot na Senador.

“Puwede ho bang wag niyo na po akong ibalik sa Senate your Honor, kasi may involved pong Senador dito at hindi ko po alam ang magiging kapalaran ko kung ibabalik niyo ako doon,” sabi ni Hernandez.