Calendar
Valeriano suportado ang panukalang batas para sa mga pasahero, draybers ng three-wheelers
NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano para sa isinulong na panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga pasahero at drivers ng three wheelers na mas kilala bilang non-conventional motorcycles.
Bilang Chairman ng Committee on Public Order and Safety, sinabi ni Valeriano na sinasang-agunan at sinusuportahan nito ang objective ng House Bill No. 2133 o na may titulong Non-Conventional Motorcyles Reclassification Act na inihain ni Misamis Oriental Representative Jennifer “Karen” Lagbas.
Ipinaliwanag ni Valeriano na sa kaniyang distrito sa Tondo, Manila, marami sa kaniyang mga constituents ang sumasakay sa three-wheeled motorcycles papasok sa kanilang trabaho, patungong eskuwelahan at iba pang lugar kung saan mas kombinyente at abot kaya ang pamasahe.
Ayon sa kongresista, nakapaloob sa House Bill No. 2133 na magkakaroon ng malakas na proteksiyon ang mga pasahero at draybers ng nasabing transportasyon kung ito ay bumibiyahe sa national roads at kung ang kanilang pasahero naman ay mayroong dalang bagahe habang tinitiyak din ng panukala na maging ligtas ang three-wheeled motorcycles sa gitna ng daloy ng trapiko.
Idinagdag pa ni Valeriano na hindi lamang pino-protektahan ng panukala ang mga pasahero at draybers ng three-wheelers kundi pati na rin ang general public upang maiwasan ang aksidente sa lansangan.

