Calendar
Prayer rooms sa pampublikong pasilidad sa Maynila pinaplano
INIHAYAG ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang pagnanais niyang ituon ang pagtataguyod ng pagkakaisa at suportang pang-ekonomiya sa Muslim community sa ginanap na Islamic Assembly araw ng Sabado sa San Andres Sports Complex.
Kabilang sa plano ng bise alkalde sa kanyang personal na pakikipagpulong sa Muslim Leaders ang pagtatatag ng silid panalanginan o prayer rooms sa mga pampublikong pasilidad tulad ng mga shopping malls na hiniling sa kanya ng mga kapatid na Muslim.
“We have scheduled ocular inspections at a large shopping mall because we are ensuring you will no longer need to find a fitting room or a restroom to pray. We are working to provide proper, allocated prayer rooms for you,” sabi ng bise alkalde.
Binanggit din ni Atienza ang bago niyang inisyatiba na kung tawagin ay “HalalTown” na isang panukalang lugar sa mga mamumuhunang Muslim upang doon nila i-alok ang kanilang mga produkto, magdiwang ng kanilang kultura, at palakasin ang kanilang kabuhayan sa tulong na rin ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Ibinahagi rin ng bise alkalde ang personal niyang koneksiyon sa Muslim community lalu’t lumaki siya na pawang mga may Muslim na may karinderiya na nagsisilbi ng halal foods ang kanilang mga kapitbahay. “Natutuwa akong makasama kayo dahil simula pa noong ako ay bata, alam ko na ang mga Muslim dahil sa lugar kung saan ako nakatira, kalahati ng aking mga kabaranggay ay mga Muslim,” sabi pa niya.
Isa rin aniya sa dahilan kung bakit siya kumandidato at nagwagi bilang bise alkalde ay ang pangako niya na maging boses sa Muslim community.
“It’s important to me that when you enter Manila, you can walk with your heads held high, knowing that you are valued and that you belong here,” dagdag pa ni Atienza.
“I am a woman, and I know my strength in winning was my heart and my courage. Never let gender stop you from making a difference. The women here know how to take care of our families, and we also know how to take care of our community,” sabi pa ng bise alkalde.

