Isko

Yorme: Rioters kakasuhan namin

Edd Reyes Sep 23, 2025
277 Views

INIHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sasampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga nadakip na taong sangkot sa panggugulo, pananakit at pagwasak sa pag-aari ng pamahalaan noong Linggo.

Ayon kay Mayor Isko, 127 kalalakihan at 89 na mga menor-de-edad ang nadakip ng Manila Police District (MPD).

Sinabi ng alkalde na pinag-aaralan din ng pulisya kung kailangan pang sampahan ng karagdagang kasong malicious mischief, arson, physical injuries, at inciting to sedition ang mga rioters.

Kinikilala rin ni Yorme Isko ang pagkakasangkot ng mga menor-de-edad sa kaguluhan, lalu na’t sa isinagawang panayam ng mga social workers, marami sa kanila ang alam na o nauunawaan na nila ang kanilang ginawang krimen.

Hinimok din ng alkalde ang Kongreso na ikonsidera ang pagpapasa ng batas kung saan mga menor-de-edad ang kinakalap na lumahok sa riot at panggugulo.

“Are they doing it on their own, or are they being manipulated? Kailangan tingnan natin,” tanong ng alkalde.