MRT3

Astrera itinalagang OIC-GM ng MRT-3

154 Views
ITINALAGA si Engr. Ofelia D. Astrera bilang officer-in-charge-General Manager ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Si Astrera ang kasalukuyang hepe ng Support Division (Technical Training)/Computer Section/AFCS Office ng MRT-3.

Si Engr. Oscar B. Bongon naman ay itinalagang OIC-Director for Operations ng MRT-3. Mananatili rin itong hepe ng Engineering Division.

Sina Engr. Astrera at Engr. Bongon ay kapwa bahagi ng Project Management Office (PMO) ng noon ay Department of Transportation and Communications MRT-3 (DOTC MRT-3) na nangasiwa sa pagpapatupad ng MRT-3 project.

Si Engr. Astrera ang nangasiwa sa quality assurance and quality control (QA/QC) ng PMO upang masiguro na nasusunod ang pamantayang itinakda sa konstruksyon ng proyekto.

Siya ay naging hepe ng Support Division (Technical Training)/Computer Section at AFCS Office ng MRT-3 noong 2000.

Si Engr. Bongon naman ang humawak ng power supply and overhead at catenary system (OCS) section ng PMO bago napunta sa Maintenance Supervisory, Safety and Security division ng MRT-3.

Siya ay naging hepe rin ng Transport Division mula 2004 hanggang 2010; Station Division mula 2010 hanggang 2016, at Engineering Division mula 2017 hanggang sa kasalukuyan.