Gatchalian

Rice self-sufficiency ng PH isinusulong

301 Views

NANAWAGAN si Senador Sherwin Gatchalian ng mas maigting na hakbangin tungo sa rice self-sufficiency sa bansa, kasabay ng babala na nananatiling mabagal ang pag-angat ng produksyon sa kabila ng patuloy na paglaki ng populasyon.

“I have data from Philippine Rice Research Institute (PhilRice) over the years. Even though our production increased, in the last five years, our production stagnated, while our population increased. This makes it very challenging to achieve rice sufficiency because our rice production is stagnant, and our population is increasing. So our sufficiency is decreasing,” ayon kay Gatchalian.

Binigyang-diin niya na patuloy na tumataas ang pondo para sa rice program ngunit tila hindi pa nakikita ang inaasahang resulta sa produksyon. “It continues to increase over the years. And the goal of RCEP is to achieve rice sufficiency at one point and, at the same time, make us globally competitive,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Gatchalian na may P33 bilyon na nakalaang pondo para sa 2025 at tataas ito sa P60 bilyon sa 2026. Giit niya, dapat tiyakin na ang pondong ito ay magbunga ng mas mataas na ani at mas matatag na seguridad sa pagkain upang mabawasan ang pag-asa sa imported na bigas.

Ayon sa mga ulat ng PhilRice at Philippine Statistics Authority, pabagu-bago ang rice self-sufficiency ratio ng bansa sa mga nakaraang taon, bagay na nagpapakita ng pangangailangang ipagpatuloy ang pamumuhunan sa makinarya, binhi, at post-harvest support.

Binanggit din ng Department of Agriculture na target ng administrasyon ang 97 hanggang 100 porsiyentong rice self-sufficiency bago matapos ang dekada, ngunit apektado umano ng pabago-bagong klima at mataas na presyo ng farm inputs ang ilang lalawigan.

Dagdag ni Gatchalian, ang pagpapalakas ng lokal na produksyon ang pinakamabisang paraan upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas. “Our goal should be to empower Filipino farmers to produce more efficiently while making rice prices stable for the public,” aniya.