Martin

Lalabas din ang buong katotohanan -Rep. Romualdez

Mar Rodriguez Oct 15, 2025
217 Views

KUMPIYANSA at optimistiko si dating House Speaker – Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Gomez Romualdez na lalabas din ang buong katotohanan patungkol sa pagkakadawit ng pangalan nito sa kontrobersiya at eskandalong ikinukulapol laban sa kaniya kaugnay sa di-umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa panayam ng media sa dating House Speaker, sinabi nito na ikinagagalak niya at naibahagi nito sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang lahat ng impormasyon na kaniyang nalalaman patungkol sa naturang isyu upang maging malinaw at lumabas ang katotohanan tungkol dito.

Muling ipinahayag ni Romualdez na buong-buo ang kaniyang suporta sa patuloy na imbestigasyon ng ICI at ang nasabing fact-finding body aniya ay naglalayong resolbahin ang usaping bumabalot sa flood control project fiasco kung saan idinadawit ang kaniyang pangalan.

Dahil dito, ikinagagalak ni Romualdez ang naging pagharap nito sa ICI para magpahayag ng kaniyang nalalaman upang makita rin mismo ng mamamayang Pilipino na siya ay wala umanong itinatago at para narin linisin ang kaniyang nadungisang pangalan na pilit na isinasangkot naman ng ilang grupo at indibiduwal.

“I’m glad to have shared my personal knowledge on information with the ICI beacause I want to talk to the ICI in its investigation to support the investigation and fact-finding to resolve the issues sorrounding the concerns of the ICI,” wika ni Rep. Romualdez.

Muling binigyang diin ng kongresista na ang isinasagawang pagsisiyasat ng ICI ang tamang venue para malinawan ang isyu ng flood control projects sa halip na daanin ito sa bangayan, hidwaan, haka-haka at iba pang pampolitikang pamamaraan na hindi naman nagkakaroon ng linaw bagkos ay lalo lamang nagpapaalab sa nagpupuyos na damdamin ng publiko.

Iginigiit ni Romualdez na ang ICI ay nakatutok sa katotohanan at ebidensiya habang ang mga haka-haka na ipinupukol ng ilang grupo ay pawang mga imahinasyon lamang at mga gawa-gawang kuwento na ang layunin aniya ay sirain ang pagkatao ng ilang mambabatas.

Para naman ipakita sa mamamayang Pilipino na siya ay walang itinatago. Nakahanda si Romualdez muling humarap sa ICI sakaling siya ay mulinv ipapatawag.

“I am ready to come back to the Commission anytime I’m invited so that if I can share more information. I will do so,” ayon kay Romualdez.

Sabi pa ni Romualdez na: “The ICI is the best venue to tackle the alleged insertions in flood-control projects, noting that the fact-finding body is focused on facts and evidences rather than speculations and political noise as I vowed to return to the Commission of called again”.

To God be the Glory