Calendar
Lisensya ng driver na nag-dirty finger sa traffic enforcer suspendido
SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw ang lisensya ng driver na nakuhanan ng video habang nagmumura at nagpapakita ng “dirty finger” sa traffic enforcer sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport.
Sa viral video, makikitang pinapaalis ng traffic enforcer ang driver dahil bawal tumigil o maghintay sa lugar na iyon.
Sa halip na sumunod ay nagalit ang driver, kaya’t minura at nag-‘dirty finger’ pa sa traffic enforcer.
Naglabas na rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order laban sa driver pati na sa kooperatiba nito, kung saan iniutos ang kanilang pagdalo sa hearing para magpaliwanag sa insidente.
Mariin namang nagpaalala si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na huwag pairalin ang init ng ulo sa kalsada. Sa halip, laging pairalin ang wastong asal sa pagma-maneho at striktong pag-sunod sa batas trapiko para sa kaayusan at kaligtasan ng lahat.

