Koreano

2 dayuhang estudyante nawala sa Mt. Manabu,nasagip ng parak

188 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR–Nailigtas noong Sabado ng mga pulis ang isang Hapon at Koreanong estudyante na nawala sa Mt. Manabu sa Brgy. Sta. Cruz, Sto. Tomas City, Batangas.

Nawala noong Oktubre 18 sina alyas Shujiro, 16; at Han, 16, ng Southville International School and Colleges.

Bandang alas-4:30 ng hapon nakatanggap ang Sto. Tomas City police ng tawag sa 911 na nag-report na nawala ang dalawang dayuhang estudyante habang bumababa sa Mt. Manabu.

Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis kasama ang mga opisyal ng barangay.

Bandang alas-7:30 ng gabi natagpuan ang dalawang estudyante at dinala sa Sto. Tomas police station at kalaunan ipinasa kay Sangku Han, ang magulang ng isang estudyante.

“Ang matagumpay na pagliligtas na ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng aming 911 hotline at sa mabilis na pagtugon ng aming mga tauhan sa mga tulong,” pahayag ni P/Col. Geovanny Sibalo, hepe ng Batangas police.