Kanlaon Kanlaon Volcano

Kanlaon Volcano bumuga muli ng abo; Taal Volcano may bahagyang pagsabog

352 Views

NAGBUGA ng kulay gray na abo ang Bulkang Kanlaon na umabot hanggang 300 metro ang taas nitong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na ang abo ay tinangay pa-kanluran hilagang-kanluran, na posibleng dulot ng paglabas ng gas mula sa bulkan at pagtaas ng pressure sa loob nito.

“Ash emissions happen when there’s a new release of volcanic gas and pressure,” ani Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa Philippine News Agency.

Ipinaliwanag niya na ang degassing ay nagdadala ng pino at tuyong materyales o abo na matatagpuan sa bunganga ng bulkan.

“This (ash emission) is expected for Kanlaon Volcano since it is under Alert Level 2 or moderate level of unrest,” paglilinaw ni Bacolcol.

Samantala, ang Bulkang Taal ay nagtala nitong Lunes ng isang minutong minor phreatomagmatic eruption sa main crater nito, na naglabas ng steam-rich plumes na umabot sa taas na humigit-kumulang 500 metro.

Ang Taal ay nananatili sa Alert Level 1, na nangangahulugang posible pa rin ang biglaang pagbuga ng singaw o phreatic eruptions, lindol na may kaugnayan sa bulkan, manipis na pag-ulan ng abo, at paglabas ng nakalalasong gas.

Nauna nang ipinaliwanag ni Bacolcol na karaniwan ang mga minor eruption sa Bulkang Taal.

Maya’t maya ay pumuputok ang Taal, at halos buwan-buwan, ani Bacolcol. Philippine News Agency