Calendar
Valeriano isusulong ang tax exemption sa clothing allowance ng mga empleyado
ISINUSULONG ni Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano na matulungan ang mga empleyado mula sa pribado at pampublikong sektor na dumaranas ng kahirapan dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Dahil dito, hinihirit ng kongresista kay Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na itaas ang tax exemption ng cloting allowance ng mga empleyado mula sa private at public sector sa P10,000 kasama na dito ang minimis benefits sa P15,000 kada taon.
Ipinaliwanag ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Public Order and Safety, na ang pagtaas ng tax exemption ay inaasahang magbibigay ng dagdag na pera para sa mga naturang empleyado sa gitna ng hirap na kasalukuyan nilang binabalikat bunsod ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin bukod pa ang gastos sa eskuwela ng kanilang mga anak.
Sinabi ni Valeriano na sa kasalukuyan ang tax-free clothing allowance ng mga empleyado ay umaabot lamang ng P7,000 habang ang de minimis benefits ay nasa P10,000 kada taon.
“So I hope Finance Secretary Ralph Recto and the Bureau of Internal Revenue will issue the neccessary revenue regulations in the coming days or weeks and that they apply to fringe benefits starting from the whole year of 2025,” ayon kay Valeriano.

