Masahista Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, hepe ng Sta Mesa Police Station 8, ang mga naarestong suspek na pumatay sa babaeng natagpuang nakagapos sa loob ng isang hotel sa Sta Mesa, Manila.

2 huli sa masahistang nakitang nakagapos sa Sta Mesa

Jon-jon Reyes Nov 7, 2025
263 Views

Masahista1ARESTADO ang dalawang suspek na pumaslang sa isang babaeng masahista na natagpuang nakagapos ang mga kamay sa loob ng hotel sa Sta.Mesa noong Oktubre.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, tagapag salita ng Manila Police District (MPD) ,Oktubre 22 ng hapon nang magcheck-in sa hotel ang dalawang suspek.

Dalawang kuwarto ang inupahan ng lalaking suspek para sa babaeng suspek at biktimang masahista na kanilang inarkila.

Kinabukasan, Oktubre 23, napansin ng hotel staff ang mga suspek na nagmamadaling umalis mula sa nasabing hotel,

Makalipas ang ilang minuto, ayon sa kuha ng CCTV, isang roomboy ang tila tumatakbo at hinahanap ang nasabing babae na kasama pala ng biktima sa loob ng hotel.

Dito na nadiskubre ng mga staff ang biktima na nakadapa,nakatali ang mga kamay at wala nang buhay.

Ang biktima ay nakilalang si alyas Jonalyn.

Base sa isinagawang imbestigasyon,namatay ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang kumot sa loob ng kwarto ng hotel.

Dahil sa puspusan ang follow-up operation ng mga operatiba ng Sta mesa Police station 8 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon Station, commander ng Sta Mesa Police katuwang ang MPD Homicide Unit, naaresto ang babaeng suspek sa kanyang bahay sa Pasay City.

Dito na inginuso ng babaeng suspek ang kinaroroonan ng kanyang kasamang lalaking suspek sa lalawigan ng Naic,Cavite.

Nahaharap sa kasong murder ang dalawang suspek na nakakulong sa Sta Mesa Plice Station 8.