Nartatez Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Deepfake ‘Uwan’ videos maaaring magdulot ng takot, pangamba — PNP

228 Views

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) nitong Lunes sa publiko laban sa pagpo-post o pagbabahagi ng mga hindi beripikadong video na nagpapakita ng umano’y pinsalang dulot ng Super Typhoon Uwan, dahil maaaring magdulot ito ng legal na pananagutan.

“The PNP warns the public against posting or sharing unverified videos online on the supposed impact of Super Typhoon Uwan in the country,” sinabi ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa isang statement.

“Maging mapanuri dahil ang ilan sa mga ito ay deepfake videos na maaaring makapagdulot ng takot o pangamba sa ating mga kababayan,” dagdag niya.

Sinabi rin niya na ang pagpapakalat ng maling impormasyon o fake news sa social media “can also be dealt with in accordance with the law.”

Sa halip na magbahagi ng pekeng balita, hinikayat ni Nartatez ang mga netizen na mag-post ng beripikadong impormasyon, gaya ng infographics at opisyal na abiso na makatutulong sa paghahanda ng mga komunidad sa paparating na masamang panahon.

“Let us refrain from spreading fake photos, videos and disinformation just for content or any other purposes,” aniya. “Instead, let us all be responsible and do our share in helping, at least by sharing informative and helpful messages.”

Binigyang-diin din ng PNP chief na mahalaga na beripikahin ang impormasyon mula sa opisyal na mga source, lalo na sa panahon ng kalamidad, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat.

“Hindi lahat ng nakikita online ay totoo kaya’t dobleng pag-iingat ang dapat nating gawin,” sinabi ni Nartatez. Philippine News Agency