Tulak

P710K na shabu nakumpiska sa 2 suspek na pusher

Christian Supnad Nov 24, 2025
220 Views

CAMP OLIVAS, Pampanga–Dalawang pinaniniwalaang drug pushers ang naaresto noong Linggo ng hapon at nakumpiska sa kanila ang shabu na nagkakahala ng P710,532 sa buy-bust sa Olongapo City.

Nakilala ang naarestong pusher na sina Alex at isang Finca, parehong High Value Target (HVI).

Bandang alas-5:35 ng hapon noong Nov. 23 ikinasa ng Target Intelligence Packet (TIP) sa Kessing 18th St., Brgy. New Kalalake, Olongapo City at 1879 Benneth Road, Old Cabalan, Olongapo City.

Nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek at pagkakakumpiska suspected shabu na may estimated ma timbang 104.49 grams na may Standard Drug Price (SDP) na Php710,532.00 at pagkakarecover ng 1 pirasong genuine P1,000 bill at siyam pang P1,000.00 boodle money na ginamit sa buy-bust.

Naka-recover din ang mga pulis ng isang black gray Honda Click motorcycle na may Plate No. (563XPL).