CAAP

CAAP inihayag mga byaheng apektadong Bagyong Verbena

Jun I Legaspi Nov 25, 2025
500 Views

IPINAHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkansela ng walong biyahe Martes, Nobyembre 25 dahil sa masamang kondisyon ng panahon na dulot ng Tropical Depression Verbena.

Mga apektadong biyahe ay ang mga sumusunod:

• DG6171 (Cebgo): Clark–Masbate
• DG6172 (Cebgo): Masbate–Clark
• DG6113 (Cebgo): Manila–Naga
• DG6114 (Cebgo): Naga–Manila
• 5J 821 (Cebu Pacific Air): Manila–Virac
• 5J 822 (Cebu Pacific Air): Virac–Manila
• 5J 504 (Cebu Pacific Air): Manila–Tuguegarao
• 5J 505 (Cebu Pacific Air): Tuguegarao–Manila

Samantala, iniulat ng Tacloban Airport, Catbalogan Airport, Virac Airport, Surigao Airport, San Jose Airport, Romblon Airport, Marinduque Airport, Lubang Airport, Pinamalayan Airport, Calapan Airport, Mamburao Airport, Bislig Airport, at Tandag Airport na normal ang operasyon at walang pinsala sa kanilang mga pasilidad.

Ang mga apektadong pasahero ay binigyan ng opsyon na mag-rebook, mag-refund, o i-convert ang kanilang mga tiket sa travel fund, at tinulungan upang makakuha ng susunod na available na biyahe.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang CAAP sa mga airline operators, pamunuan ng paliparan, at iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang maayos na pamamahala at akomodasyon sa mga pasaherong naapektuhan ng kanselasyon.

Pinapayuhan ng CAAP ang lahat ng biyahero na regular na sumubaybay sa mga opisyal na channel ng kani-kanilang airline para sa pinakabagong update at abiso sa biyahe.