Palawan

4 arestado sa illegal logging sa Palawan

Christian Supnad Nov 25, 2025
172 Views

CAMP EFIGENIO NAVARRO, Calapan City— Apat na sangkot sa illegal logging sa Roxas, Palawan ang naaresto kamakailan.

Kinlala ang mga nahuli na sina alyas Rolly, 35; Roel, 38; Raymark, 30; at Melchor, 41.

Huli sa akto ang apat na may dala dalang fresh-cut lumbers na walang permit sa Purok 2, Johnson Island, Brgy. 6, Roxas, Palawan.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang chainsaw at 618 board feet ng lumber na may estimated market value P35,126.

Ang mga naarestong illegal logger ay nasa police custody habang inaayos ang kasong paglabag sa RA 9175 at Presidential Decree 705.