Batangas

Batangas nag-Alay-Lakad

190 Views

LUMAHOK ang Batangas Police Provincial Office sa ika-50 Alay Lakad na may temang “Ika-50 Taon ng Hakbang Para sa Kinabukasan ng Matatag na Kabataan,” sa Memorial Dreamzone, Capitol Compound, Batangas City noong Huwebes.

Ginanap sa BPPO parade ground sa Camp Gen. Miguel Malvar, Kumintang Ilaya, Batangas City ng unang bahagi ng aktibidad at pinangunahan ni Gov. Vilma Santos at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, kongresista, alkalde at mga pinuno ng lalawigan.

Nagsalita si PCol. Geovanny Sibalo, hepe ng BPPO, ng panimulang pahayag bilang isa sa mga board directors ng Alay Lakad.

“Sa bawat hakbang na ating gagawin ngayon, alalahanin natin na ang pag-asa ay patuloy, ang kinabukasan ay patuloy para sa ating malalakas na kabataan.

Ang taunang aktibidad na ito ay naglalayong makalikom ng pondo para sa mga iskolar sa lalawigan at suportahan ang kanilang pag-unlad sa edukasyon,” sabi ng hepe ng BPPO.